-- Advertisements --
Nagkasundo ang France at Ukraine ng posibildiad ng paggawa ng mga armas.
Ito ang tinalakay sa pagbisita sa Ukraine ni French Defence Minister Sebastien Lecornu.
Nakausap ng French official si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kung saan handa silang magtulungan para sa paggawa ng mga armas.
Ilan sa mga tinalakay nila ay ang pagpapalakas ng air defense ng Ukraine para hindi basta makapasok ang Russia.
Maagang pinasalamatan ni Zelensky si French President Emmanuel Macron dahil sa walang sawang pagtulong sa kanila mula ng lusubin sila ng Russia noong nakaraang taon.