Magsasagawa ng summit ang Ukraine at European Union sa Kyiv sa darating na Pebrero 3 para talakayin ang financial at military support.
Sa isang statement na inilabas mula sa opisina ni Ukrainian President Volodomyr Zelensky, tinalakay ng lider ang mga detalye ng isasagawang high-level meeting kasama si European Commission President Ursula von der Leyen.
Napag-usapan din ng dalawang lider ang suplay ng appropriate weapons at panibagong 18 billion euro o $19 billion financial assistance program para sa Ukraine kung saan isinusulong ni Zelensky na maibigay ang unang tranche nito ngayong buwan ng Enero.
Noong nakalipas na buwan, nauna ng inihayag ng EU ang pagbibigay ng aid sa Ukraine na tinawag nitong megadeal kabilang ang adoption ng minimum 15% na global corporate tax rate.
Ito ay kasunod ng panawagan ni Zelensky sa 27 nation bloc ng EU na huwag pairalin ang internal disputes sa pagtulong ng mga ito sa Kyiv.