-- Advertisements --

Prioridad ng bagong halal na Prime Minister ng United Kingdom na si LIz Truss ang tugunan ang krisis sa enerhiya ng kanilang bansa.

Mula ng talunin nito si Rishi Sunak sa leadership votes ay bumuhos agad ang pagbati mula sa iba’t-ibang lider ng bansa.

Papalitan nito si Boris Johnson na nagpasyang bumaba sa puwesto noong Hulyo dahil sa kontrobersyang kinaharap gaya ng pagpabor sa ilang miyembro ng gabinete nito na nagkasala.

Pormal na mauupo si Truss sa pamamagitan ng endorsement ni Queen Elizabeth II sa araw ng Miyerkules kapag sila ay magkita sa Balmoral sa Scotland.

Si Truss ang siyang pang-15 British prime minister na itatalaga ng kasalukuyang kaharian at una na itatalaga sa labas ng London dahil hindi na makakabiyahe pa ang 96-anyos na si Queen Elizabeth II.

Inaasahan na magbibigay ng kaniyang huling talumpati si Johnson sa Miyerkules kung saan makikipagkita pa rin ito sa Queen Elizabeth II.