-- Advertisements --
Ibinunyag ni British Prime Minister Boris Johnson na ayaw na nitong magkaroon muli ng ikalawang national lockdown kapag magkaroon muli ng panibagong COVID-19 outbreak.
Kasunod ito sa pahayag ng kanilang UK chief scientific adviser na mayroong pangambang magkaroon muli ng lockdown dahil sa pagkatala ng bagong kaso.
Mayroong naitalang bagong 27 ang nasawi matapos na madapuan ng virus na umaabot na sa mahigit 45,300 ang namatay habang mayroong bagong 726 COVID-19 cases ang naitala sa loob ng 24 oras.
Ayon pa kay Johnson na ang bumubuti na ang kanilang otoridad sa pagtugon sa coronavirus pandemic gaya ng mayroon na silang isolation area para sa mga nagpositibo sa virus.