-- Advertisements --

Pinag-aaralan pa ni British Prime Minister Rishi Sunak ang pagbibigay ng mga fighter jets sa Ukraine.

Kasunod ito sa pagbisita sa United Kingdom ni President Volodymyr Zelensky ng Ukraine.

Sinabi ni Sunak na patuloy ang ginagawa nilang pag-aaralan at hindi pa ito naisasantabi gaya ng ginawa ng ibang bansa.

Sa talumpati ni Zelensky sa Parliamento ng UK ay patuloy ang paghikayat nito na buhusan sila ng tulong para tuluyang maitaboy ang puwersa ng Russia.

Nakipagpulong din ang Ukrainian President kay King Charles III kung saan tiniyak nito na makukuha niya ang kaniyang suporta.