-- Advertisements --
Kinumpirma ng United Kingdom na binigyan nia ang Ukraine ng long-range missiles.
Ang nasabing hakbang aniya ay base na rin sa hilng ng Ukraine para tuluyang maitaboy ang Russia sa kanilang bansa.
Ang Storm Shadow cruise missile ay may kakayahan na umabot ng 250 kilometers at hindi ito basta namomonitor ng Russia.
Ayon kay UK Defence Secretary Ben Wallace na ang ibibigay nilang long-range missiles ay siyang pinakamagandang pandepensa laban sa pananakop ng Russia.
Una ng sinabi ni British Prime Minister Rishi Sunak na handa silang magbigay ng mga long range missiles sa Ukraine.