-- Advertisements --

Ipinagbawal sa United Kingdom ang paglalagay ng social media app na TikTok sa mga gamit na pag-aari ng gobyerno.

Ayon kay Cabinet Office minister Oliver Dowden, na magiging epektibo agad ang kautusan sa pagtanggal ng nasabing Chinese-owned video app.

Paliwanag nito na nagsagawa ang mga eksperto ng risk assessment sa nasabing third-party apps na may kaugnayan sa sensitibong datus ng gobyerno.

Dahil dito ay tanging mga apps na nasa approved list ang papayagang ilagay sa mga device ng gobyerno.

Ang nasabing pagbabawal ay kasunod din ng pagbabawal na ipinatupad ng US at ang European Union.