-- Advertisements --

Pinayuhan ng United Kingdom ang kanilang mamamayan na iwasan nilang sumakay sa mga bangka.

Kasunod ito ng madugong aksidente sa karagatan ng Iloilo at Guimaras.

Sa inilabas na travel advisory ng Foreign Commonwealth Office (FCO) na dapat maging maingat sila sa pagbiyahe sa karagatan ngayong panahon ng tag-ulan mula Hunyo hanggang Disyembre.

Nakasaad sa advisory ang panganib na kakaharapin ng mga pasahero dahil kulang ang mga bangka ng mga life-saving equipment at hindi masyado itong naaayos.