-- Advertisements --

Babawasan na ng United Kingdom ang minimum self-isolation period sa mga dinapuan ng COVID-19 sa England.

Ayon kay UK Health Secretary Sajid Javid na gagawin na lamang sa limang araw ang isolation mula sa dating pitong araw.

Sa ganitong paraan aniya ay hindi na gaano maaapektuhan ang kanilang ekonomiya.
Magiging epektibo ito sa darating na Enero 17.

Pagkatapos ng limang araw ay dapat sumailalim ang mga ito sa COVID-19 test kung saan dapat ay maging negatibo ang resulta nito.