-- Advertisements --
image 562

Arestado ang isang Uganda national dahil sa umano’y paggawa ng “black cocaine” na nakatago sa loob ng chocolate biscuits sa Dasmariñas, Cavite.

Pinasok ng NBI Task Force Against Illegal Drugs ang bahay ni Benjamin Musoke na may hawak na na search warrant.

Si Musoke, ay isang hinihinalang miyembro ng West African Crime Syndicate.

Ayon sa NBI, gumagawa umano si Musoke ng itim na cocaine at sa mismong pagsalakay ay natuklasan ang iba’t ibang kemikal at paraphernalia sa kanyang kitchen-type cocaine laboratory.

Mayroon ding sandwich at waffle makers sa loob ng bahay, na pinaniniwalaan ng mga awtoridad na ginamit sa paggawa ng mga biskwit na pinalamanan ng cocaine at iba pang ilegal na droga.

Dagdag pa ng NBI, ipapakete ang mga droga bilang cookies o chocolate bar at ibibigay sa mga Filipino drug courier na magdadala ng mga produkto sa ibang bansa para sa suweldong 2,000 dollars at libreng biyahe sa ibang bansa.