-- Advertisements --
Hindi isinasara ni UFC president Dana White ang posibilidad na paghaharap nina Conor McGregor at YouTube star Jake Paul.
Sinabi ni White na kahit na imposibleng mangyari ay hindi pa rin nito isinasara ang pintuan na ito ay mangyari.
Magugunitang si White ang naging susi sa laban ni McGregor kay US undefeated boxing champion Floyd Mayweather Jr noong 2017.
Makailang beses na ring hinamon ni Paul si McGregor na maglaban noong nakaraang mga taon subalit hindi na ito pinatulan ng Irish MMA champion.