-- Advertisements --
Nagpahiwatig ng kaniyang planong pagbabalik sa boxing si dating two-division UFC champion Conor McGregor.
Sinabi nito na sinimulan na niya ang pag-eensayo at gumalin na siya sa mga injury.
Nagtamo kasi ito ng injury sa huling laban niya kay Dustin Poirier noong 2021 sa UFC 264 kung saan natalo siya sa pamamgitan ng technical knockout.
Mayroong record ang 33-anyos na Irish fighter na 22 panalo at anim na talo sa UFC at noong 2017 ay lumaban siya sa boxing kay Floyd Mayweather Jr at tinalo siya nito sa pamamagitan ng TKO.










