Reading Time: 1 minute

Pumayag na umano si dating Cleveland Cavaliers head coach Tyronn Lue na maging top assistant coach ni Doc Rivers sa Los Angeles Clippers.

Magugunitang naging malakas na kandidato si Lue upang maging head mentor ng Los Angeles Lakers bago mabigo ang mga negosasyon.

Hindi kasi nagkasundo sina Lue at ang Lakers sa contract terms kaya kinuha na lamang ng team si Frank Vogel.

Sinibak si Lue bilang head coach ng Cavs kahit na ginabayan nito ang team patungo sa tatlong magkakasunod na appearance sa NBA Finals.

Nagtapos na may 128-83 record sa three-plus seasons sa Cleveland si Lue.