Napagkasunduan umano ng Twitter board of directors na gamitin ang limited-term shareholder rights plan o tinaguriang “poison pill” para mapigilan ang bilyonaryong si Elon Musk na makuha ang lahat ng shares ng kompaniya.
Ang naturang “poison pill” provision ay inanunsiyo sa isang press release nitong Sabado ng Twitter.
Naglalayon daw ito sa karapatan ng Twitter shareholders na makakuha ng shares ng kompaniya ng mas mura kumpara kay Musk.
Maisaisakatuparan daw ang probisyon kung si Musk o ibang investor ay maangkin ang 15% ng company’s shares.
Kung maalala kamakailan lamang ay nabili ni Musk ang 9% ng Twitter’s shares na gumulat daw sa mga investors.
Ang poison pill ay isang “corporate anti-takeover defense mechanism.”
“The Rights Plan will reduce the likelihood that any entity, person or group gains control of Twitter through open market accumulation without paying all shareholders an appropriate control premium or without providing the Board sufficient time to make informed judgments and take actions that are in the best interests of shareholders,” ayon pa sa company statement.