-- Advertisements --

Naghain ng motion for reconsideration ang kampo ng TV news anchor Gretchen Fullido matapos na ibasura ang isinampang libel case sa kasamahan nito sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Sinabi ng kaniyang abogadong si Atty. Eldrige Marvin Aceron, kaya sila naghain ng motion ay para mapanatiling buhay ang kaso.

Nilinaw nito na hindi pa tuluyang nababasura ang kaso dahil sa pagsampa nila ng motion for reconsideration.

Ang nasabing kaso ay may kaugnayan sa pagsampa ng kaso ni Fullido ng sexual harassment laban kay Cheryl Favila at Maricar Asprec.

Naghain din ito ng kasong libel kay Cecilia Drilon, Venancio Borromeo at Marie Lozano dahil sa paninirang puri sa kaniya.