-- Advertisements --
Sumentro sa pagtatapos sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine ang naging talumpati ni Turkish President Recep Tayyip Erdoğan sa United Nations General Assembly sa New York.
Nanawagan din si Erdogan sa mga bansa na suportahan sila sa kanilang ginagawang hakbang para tuluyang matapos ang giyera sa pagitang ng Ukraine at Russia.
Iginiit nito na walang mananalo sa anumang giyera habang ang mananalo lamang ay ang sapat na peace process.
Isa kasi ang Turkey na gumawa ng hakbang para mabuksan ang mga pantalan sa Ukraine na hinarangan ng Russia para hindi makagalaw ang kanilang mga trigo at ibang mga agricultural products.