-- Advertisements --

Pinagbabaril ang Turkish evacuation plane na siyang naglilikas sa mga naiipit sa kaguluhan sa Sudan.

Ayon sa defense ministry ng Turkey, na walang nasugatan sa insidente at ligtas naman na lumapag ito sa Wadi Seidna.

Isinisi naman ng Sudan army sa paramilitary fighter ang insidente na nagdulot sa pagkakatama ng fuel system nito.

Mariing pinabulaanan naman ng Rapid Support Forces (RSF) ang alegasyon na sila ang nasa likod ng pamamaril.

Pagtitiyak ng grupo na seryoso sila sa kasunduan na magkaroon ng pinalawig na ceasefire.