-- Advertisements --
Napilitang kanselahin ng piloto ng Turkish AnadoluJet flight matapos na makatanggap ang mga pasahero ng larawan ng pagbagsak ng eroplano sa kani-kanilang mga cellphone sa bansang Israel.
Ayon sa aviation authority ng Israel, na kasalukuyang nag-ta-taxi sa Ben Gurion Airport ang nasabing eroplano ng mangyari ang insidente.
Agad na pinababa ang mga pasahero at inispeksyon ng mga otoridad ang kanilang bagahe.
Nakilala naman ng mga otoridad ang mga nasa likod ng insidente at kanila ito ng iniimbestigahan.
Matapos ang ilang oras ay itinuloy din nila ang pagbiyahe ng nasabing eroplano.