Nakahanda na raw ipamahagi sa mga apektadong magsasaka at mga mangingisda ang tulong mula sa Department of Agriculture (DA).
Ayon sa DA, kabilang na rito ang tulong gaya ng palay, mais at assorted vegetable seeds maging ang drugs aT biologics para sa mga livestock at poultry.
Mayroon na rin umanong available na mga finerling mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipapamahagi sa mga fisherfolks na apektado ng bagyo.
Maliban sa mga fingerling ay mayroon din silang ipapamahaing tulong sa mga magsasaka at mangingisda.
Sa mga naapektuhan ng bagyo, puwede rin silang mag-avail ng P25,000 loan mula sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC) kabilang na ang Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitation ng mga apektadong lugar.
Ang volume ng production loss ay tinatayang papalo sa 2,543 metric tons at 1,949 hectares ng agricultural areas ang apektado sa MIMAROPA, Bicol at Western Visayas.
Naapektuhan dito ang 762 farmers.
Malaki-laki rin ang nawala sa rice sector na mayroong pinsalang P47.25 million, na sinundan ng high value crops na mayroong P1.24 million at palaisdaan na mayroong P1.05 million.
Sa ngayon, tuloy-tuloy daw ang pakikipag-ugnayan ng DA sa mga concerned national government agencies (NGAs), local government units (LGUs) at iba pang disaster risk reduction and management (DRRM)-related offices para sa pag-assess sa epekto ng naturang bagyo.
Kabilang na rin dito ang available resources para sa interventions at assistance.