-- Advertisements --
image 329

Tiniyak ng pamahalaan ang pagkakaloob ng tulong sa mga mamamayang naapektuhan ng malawak na oil spill sa Mindoro at Antique.

Kasunod ito ng tagubilin ng Malacanang na madaliin ang ayuda para sa mga residenteng napinsala ang kabuhayan.

Nitong weekend, nakibahagi ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpupulong ukol sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga residente ng Caluya, Antique.

Liban kay Marine Environmental Protection Commander, CG Vice Admiral Robert Patrimonio, kasama rin sa pagpupulong sina International Oil Pollution Compensation (IOPC) Director Gaute Sivertsen at Claims Manager Ana Cesta.

Nagpadala rin ng kinatawan ang International Tanker Owners Pollution Federation (ITOPF), P&I Club, LGU, at iba pang ahensya ng gobyerno.

Matapos nito, binisita nila ang Sitio Sabang sa Barangay Tinogboc, Semirara Island para malaman ang kasalukuyang sitwasyon ng isa sa mga komunidad na lubhang naapektuhan ng naturang insidente.