-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hiniling ngayon ni Maguindanao 2nd District Congressman Esmael”Toto”Mangudadatu kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumuo ng isang investigation team sa pananambang patay kay dating Sultan Kudarat Vice-Governor Rolly Recinto.

Wala nang kakayahan sa politika ang biktima dahil matanda na ito at maysakit nang iniinda sa kanyang katawan.

Sinabi ni Congressman Toto Mangudadatu nang huli silang magkita ng kanyang Ninong (Recinto) sa Buluan Maguindanao ay hirap na itong maglakad at may hika pa.

Dapat umanong tutukan ng pulisya ang imbestigasyon sa pamamaslang sa biktima at nagpasaring pa ang kongresista na nasa Lambayong Sultan Kudarat lamang ang mga salarin.

“Dinadaing sa akin hindi na makalakad ng malayuan dahil hinihika,dapat ang Pulis at ibang ahensya gawin lahat para makuha lang salarin,kahit na hindi yun paslangin matanda na at maysakit na,dapat magbuo si Mayor Digong ng mag-imbestiga dyan para mabilis ang paghuli sa salarin dahil nandyan lang yan sa LAMBAYONG SK.tingnan mo pag may nabuo na team si PRD mahuli yan.matanda na yun kawawa talaga”ani Mangudadatu.

Matatandaan na sakay si Recinto ng kanyang L-200 pick-up ng itoy paputukan ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola sa Brgy Belumin Lambayong Sultan Kudarat.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Ang biktima ay nag-iisa lamang at galing ng Tacurong City papauwi na sa kanyang tahanan sa bayan ng Lambayong ng itoy tambangan.

Si Recinto ay dati din alkalde sa bayan ng Lambayong Sultan Kudarat ,ama ni Lambayong Vice-Mayor Francis Eric Recinto at Lambayong Municipal Councilor Joseph Leo popot Recinto.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Lambayong PNP sa pamamaril patay sa biktima.