-- Advertisements --

Tuburan Cebu -Temporaryong sarado ang Police Station sa Tuburan Cebu ayon sa pagbubunyag ni Police Colonel Aladdin Collado, hepe ng pulisya sa probinsiya ng Cebu.

Inihayag pa ni Collado na ito’y matapos na magpositibo sa COVID-19 ang 15 PNP personnel sa nasabing bayan.

Dagdag pa nito na patuloy naman ang transaksyon sa Tuburan PNP matapos na nagpadala ang CPPO ng dagdag na tauhan.

Sa inisyal na pagsisiyasat, napag-alaman na nakuha ng mga nagpositibo ang nasabing virus sa panahon na idineploy ang mga ito sa sementeryo ng bayan noong Undas.