-- Advertisements --

Sa unang pagkakataon, natuklasan ng mga astronomers ang tubig sa atmosphere ng isang exoplanet na umiikot sa habitable zone ng isang malayong bituin.

Sa ulat na inilathala sa journal na Nature Astronomy, ang nasabing planeta, na pinangalanang K2-18b, ay posibleng maging sagot sa matagal nang paghahanap ng mga tao ng buhay sa labas ng kalawakan.

Inilarawan ng lead scientist na si Prof. Giovanna Tinetti ng University College London (UCL) ang nasabing discovery bilang “mind blowing.”

“This is the first time that we have detected water on a planet in the habitable zone around a star where the temperature is potentially compatible with the presence of life,” wika ni Tinetti.

Ang habitable zone ay isang lugar sa palibot ng isang bituin na mayroong tubig, at posibleng may nabubuhay.

Ang K2-18b ay may layong 111 light-years o milyun-milyong kilometro ang layo mula sa Earth.

Ayon naman kay Dr. Ingo Waldmann ng UCL, dahil sa kalayuan ng planeta sa ating daigdig ay hihintayin na lamang ang susunod na henerasyon ng mga space telescopes na ilulunsad sa susunod na dekada.

“This is one of the biggest questions in science and we have always wondered if we are alone in the Universe,” ani Dr. Waldmann. “Within the next 10 years, we will know whether there are chemicals that are due to life in those atmospheres.” (BBC)