-- Advertisements --

Inabisuhan ngayon ng weather officials sa Taiwan ang mga residenteng nasa southeastern areas na lumayo sa coastline.

Kasunod na rin ito ng 6.9-magnitude na lindol na tumama sa southeastern coast ng Taiwan na siyang dahilan ng tsunami warning.

Pero sa ngayon ay tinanggal na ang mga tsunami warning.

Ayon sa US Geological Survey (USGS), ang lindol ay may layong 50 kilomentro sa hilaga ng Taitung at mayroong lalim na 10 kilometro.

Sa naganap na lindol ay mayroon nang dalawang palapag na residential building at convenience store ang gumuho malapit sa epicentee at patuloy na ang isinasagawang rescue operations.