-- Advertisements --

Tumaas ang trust at performance rating nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at VP Sara Duterte nokng huling kwarter ng nakalipas na taon base sa panibagong survey mula sa Tugon ng Masa (TNM) ng OCTA Research.

Kung saam ang trust rating ng Pangulo ay umakyat sa 76%, ito ay 3% na mas mataas kumpara noong ikatlong kwarter ng 2023.

Pagdating naman sa performance rating ng Pangulo, nakakuha ito ng 76% na mas mataas kumpara sa 65% na naitala noong Oktubre 2023.

Samantala, nakakuha naman si VP Sara Duterte ng 77% trust rating, mas mataas sa 75% na naitala sa third quarter survey. Gayundin, 75% ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ang nagsabing sila ay nasiyahan sa pagganap ni VP sara sa kaniyang tungkulin, mas mataas kaysa sa 70% na kanyang nakuha noong third quarter ng nakaraang taon.

Nakakuha ng pinakamataas na trust ratings si Pang. Marcos sa Visayas na nasa 79% habang pinakamababa naman sa Mindanao na nasa 69%.

Si VP Sara naman ay mayroong mataas na trust rating sa Mindanao na nasa 99% habang ang kaniyang trust rating sa Luzon ay nasa 64%.

Sa usapin ng performance o pamamalakad ni Pang. Marcos, nakakuha ito ng pinakamataas na satisfaction rating sa Balance Luzon (77%), habang ang pinakamababa ay sa Mindanao (57%).

Para kay VP Sara, ang pinakamataas na satisfaction rating ay mula sa Mindanao na may 97% at 61% sa Luzon.

Ang naturang survey ay isinagawa mula December 10-14, 2023 kung saan kinapanayam ang 1,200 respondents. (With reports from Bombo Everly Rico)