-- Advertisements --
Patuloy ang pagsuporta ni US President Donald Trump sa ilang mga gobernador ng iba’t-ibang estado na magbukas at luwagan na ang ipinapatupad na lockdown dahil sa coronavirus pandemic.
Kasabay ng White House briefing may mga ipinapatupad na sila rapid mass testing.
Naglabas na rin ito ng blue print para sa nasabing pagbubukas ng iba’t-ibang estado.
Ipinagmalaki pa rin ng US President na siya lamang ang pangulo na nagpalago ng ekonomiya ng Estados Unidos at tiniyak nito na babangon ang ekonomiya ng US sa pagpasok ng third quarter ngayong taon.















