-- Advertisements --

Tinawag ni dating US President Donald Trump na “Totally unconstitutional” ang gag order sa kaniya ng korte na pinagbabawalan siyang magsalita na may kinalaman sa nagpapatuloy na hush money trial.

Sinabi nito na hindi makatarungan na at malinaw na napupulitika na ang hush money case laban sa kaniya.

Sa ikalawang araw na pagdinig ng Hush Money trial ay nagsalita ang isang witness na si David Pecker na dating mamamahayag kung saan binabayaran siya ni Trump para siraan ang katunggali nito sa pulitika.

Nagbunsod ang kaso sa pagbabayad din ni Trump sa dating adult actor na si Stormy Daniels para ito ay manahimik na para hindi makasira sa 2016 election.