-- Advertisements --

Tinawag ni dating US President Donald Trump na “political persecution” ang pagpasya ng grand jury na sampahan siya ng kasong criminal.

Nagpasya kasi ang grand jury sa New York na idiin ang pangulo at masampahan ito ng kasong kriminal.

May kinalaman ito sa pagbibigay niya ng otorisasyon ng $130,000 hush money para pambayad kay adult film actress Stormy Daniels bago noong 2016 presidential election.

Dahil dito ay si Trump ang magiging kauna-unahang dating pangulo ng US na mahaharap sa kaso.

Inaasahan naman na magsisimula sa susunod na linggo ang pagdinig sa nasabing kaso.