Patuloy na na iginigiit ni dating US President Donald Trump na malinaw na pamumulitika lamang ang hush money case laban sa laban kaniya.
Sa pagsisimula ng pormal na pagdinig sa kaso nito sinabi ng dating pangulo na nais ng mga kritiko nito nahindi na siya makapagkampanya para sa halalan sa buwan ng Nobyembre.
Itinuturing na isang maliit lamang ang kaniyang kaso kumpara sa mga malalaking krimen na nagaganap sa ibang bahagi ng US.
Unang nadiin si Trump noong 2023 matapos lumabas ang isyung nagbayad ito ng $150,000 sa dating adult actress na si Stormy Daniels para manahimik na lamang noong 2016.
Pineke umano ni Trump ang nasabing dokumento sa negosyo nito kung saan ang perang inilabas ay pambayad umano sa dating abogado niya n nag-aayos kaniyang kumpanya.