-- Advertisements --

Inatasan ni US President Donald Trump ang Navy na palubugin at sirain ang la hat ng mga gunboats ng Iranian na mang-haharass sa kanila.

Ito ay matapos ang ginawang harassment ng mga Iranian boat sa nagpapatrolyang US navy ship sa gulf of Oman.

Sinabi naman ni Deputy Defense Secretary David Norquist na bagamat may kautusan ang US president ay hindi pa rin nila tinatanggal ang tinatawag na rules of engagement.

Dagdag pa nito na malinaw na ang naging kautusan ng pangulo at kahit hindi ito nag-utos ay ito ang kanilang gagawin kapag sila ay hinarass.

Nagkaroon ng tensyon ang dalawang bansa ng mapatay ng US si General Qasem Soleimani noong Enero sa pamamagitan ng drone.