-- Advertisements --

Nakatakdang pirmahan ni US President Donald Trump ang isang executive order na naglalayong tiyakin na lahat ng mga Americans ay may access sa coronavirus vaccine.

Ang nasabing hakbang ay kabilang sa kaniyang programa na “America First approach”.

Isasabay nito ang pagpirma sa gaganapin vaccine summit.

Inilabas ang nasabing kautusan matapos ang ginawang pagpupulong sa Pfizer at BioNTech para sa aplikasyon ng emergency authorization ng kanilang COVID-19 vaccine.