-- Advertisements --
Hindi maiwasan ni US President Donald Trump na magduda sa mga bilang ng mga nasawi matapos dapuan ng coronavirus.
Sa ginawang pagpupulong kasama ang ilang miyembro ng gabinete, sinabi nito na tila hindi kapanipaniwala ang nasabing bilang.
Nauna ng ipinagtanggol ni White House coronavirus task force Dr. Anthony Fauci ang bilang dahil may mga ilang biktima ang nasasawi sa kanilang mga bahay.
Sa kasalukuyang bilang ay mayroong mahigit 1.4-M ang bilang ng nadapuan ng virus at mahigit 85,000 ang nasawi.
Kasabay ng pagpupulong, hinikayat ng US President ang mga may-ari ng paaralan na magbukas na dahil walang kabataan ang nadadapuan ng virus.