Bukas umano ang pintuan ni US President Donald Trump na tulungan ang China at iba pang bansa upang makagawa na ng coronavirus vaccine sa kabila ng tumitinding girian sa pagitan ng Washington at Beijing
Ginawa ng American president ang naturang komento matapos ihayag ng ilang researchers na ang bakunang dinevelop ng CanSino Biologics mula China (6185.HK) at maging ang military research unit ng nasabing bansa ay napatunayang ligtas at kaya raw palakasin ang immune response ng isang indibidwal.
“We’re willing to work with anybody that is going to get us a good result,” ani Trump.
Matagal nang sinisisi ni Trump ang Beijing dahil sa di-umano’y palpak na pangangasiwa nito sa pandemic na unang kumalat sa Wuhan, China.
“I think we’re going to have some very good results. We’re already in testing. Nobody thought that would be possible. I think you’re going to see something over the next fairly short period of time – maybe very short period of time – having to do with therapeutics and vaccines that are very good,” dagdag pa ng Republican president.
Kumpyansa rin si Trump na magkakaroon na ng magandang resulta ang mga gamot na kasalukuyang sumasailalim sa human testing tulad ng U.S..-based Moderna Inc (MRNA.O) at BioNTech SE ng Germany (22UAy.F) katuwang ang American drugmaker na Pfizer Inc (PFE.N).