-- Advertisements --

Kinasuhan ni dating US President Donald Trump ang kaniyang dating abogado na si Michael Cohen.

Sa reklamo na inihain sa Miami federal court, inakusahan ni Trump si Cohen na lumabag sa confidential attorney-client communications privacy at paninira sa kaniyang pagkatao sa pamamagitan ng kaniyang mga libro at podcast.

Humihingi ang dating pangulo kay Cohen ng $500 milyon bilang damyos.

Tinawag naman ng abogado ni Cohen na si Lanny Davis ang ginawa ni Trump na pang-aabuso sa judicial system ng US.

Nagbunsod ang kaso ng magboluntaryo si Cohen bilang star witness sa kasong isinampa laban sa dating pangulo ng US.