-- Advertisements --
Tinawag ni US House of Representatives Speaker Nancy Pelosi na isang banta sa demokrasya si President Donald Trump.
Isinagawa ni Pelosi ang pahayag sa kaniyang talumpati sa kongreso sa pagsisimula ng botohan ng mga mambabatas para sa impeachment ni Trump.
Nagsimula na ang mga kongresista ng botohan para sa pag-impeach sa US President at matapos nito ay isusumite nila ito sa Senado.
Magugunitang nahaharap sa reklamong abusing of power at obstructing Congress ang US President.
Nagbunsod ang kaso sa pagtawag ni Trump sa Ukraine President para ipaimbestiga ang katunggali nito na si dating US Vice President Joe Biden.