-- Advertisements --

Hindi nababahala si US President Donald Trump kahit na magkaroon ng magandang resulta ang pag-uusap nila ng Iran.

Sinabi nito na kahit na magkaroon man o hindi ang mahalaga ay nanalo ang US sa giyera.

Ipinagmalaki nito na tinalo nila ang Iran sa military powers.

Magugunitang isinasagawa sa Pakistan ang pag-uusap ng mga opisyal ng Iran at US para tuluyang matapos na ang labanan.

Ilang ulit na ring nagbigay ng ultimatum si Trump na dapat tumugon na ang Iran sa iniaalok nilang peacedeal para hindi na lumala pa ang giyera.