-- Advertisements --

Iminungkahi umano ni U.S. President Donald Trump kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na bombahin ang mga lugar sa teritoryo ng Russia, kabilang ang Moscow gamit ang American long range weapon nito.

Naganap ang naging pag-uusap ng dalawang leader sa isang tawag sa telepono noong Hulyo 4, isang araw matapos makipag-usap si Trump kay Russian President Vladimir Putin.

Sa naging pag-uusap kay Zelenskyy nag tanong si Trump kung kaya bang pasabugin ng Ukraine ang Moscow gamit ang US-manufactured ATACMS missiles.

Nag-udyok ito matapos umanong madismaya si Trump sa kawalan ng interes ni Putin na ayusin ang sigalot.

Magugunitang pinahinto ng pentagon ang plano noon ng administrasyong Biden na bigyan ang Ukraine ng ATACMS missiles, ngunit muling ibinalik usapin sa administrasyon ni Trump.

Una rito ang plano ng Amerika na magpadala ng mga advanced military weapon sa Ukraine, kabilang ang Patriot missile defense systems, na matagal nang hinihiling ng Kyiv para sa kanilang depensa laban sa mga air attacks.

Kasabay pa nito ang pagpataw ni Trump kay Putin na magpapatupad ng 100% taripa kung hindi tutugon sa 50-araw na palugit.