-- Advertisements --
Ikinagalak ni US President Donald Trump na malamang nasa maayos na kalagayan si North Korean Leader Kim Jong Un matapos ang 20 araw na hindi nito pagpapakita sa publiko.
Kasunod ito ng pangangasiwa ni Kim kahapon sa isang test-firing event para sa bagong gawang armas.
Kung magugunita, naging maugong kasi ang usap-usapan tungkol sa kalusugan ni Kim kasunod nang pagsailalim nito sa heart surgery. huling nagpakita sa publiko ang 36-anyos na pinuno ng North Korea noong April 12.
Ayon sa military ng South Korea, nagpakawala ang North korea ng dalawang short-range ballistic missiles kahapon, Agosto 24, pero batay sa ulat ng Korean Central News Agency (KCNA) isang “super-large multiple rocket launcher” ang kanilang pinalipad.