-- Advertisements --

Muling ibabalik ni US President Donald Trump ang regular coronavirus briefing.

Kasunod ito ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa maraming estado ng US.

Tinukoy nito ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Florida, Texas at ibang mga lugar na tumaas ang kaso ng coronavirus.

Sa muling pagbabalik ng briefing ay maipapamahagi aniya nito ang ginagawang solusyon ng kaniyang gobyerno.

Magsisimula ang nasabing briefing sa Miyerkules ng umaga sa Pilipinas.