Umalma si US President Donald Trump sa naglabasang impormasyon tungkol sa hindi umano nito pagbabayad ng kaniyang income tax sa loob ng 10 taon.
Batay sa reports, aabot lamang ng $750 o halos P37,000 ang binayaran ng Republican president sa kaniyang federal oncome tax nooong 2016, parehong taon na tumakbo ito bilang pangulo ng Amerika at unang taon sa White House.
Hindi na nakapagpigil si Trump na tawagin itong “fake news” dahil siya raw ay nagbabayad at kaagad din itong inilalagay sa audit.
Isinawalat din nito na hindi raw siya tinatrato ng maayos ng Internal Revenue Service (IRS) kaya nagkaroon ng ganitong isyu.
Magugunita na si Trump ang kauna-unahang presidente simula noong 1970 na hindi pumayag isapubliko ang kaniyang tax returns maging ang kahit anong impormasyon hinggil sa kaniyang yaman o negosyo.