-- Advertisements --

Pinayagan na ng New York appeals court si dating US President Donald Trump na palawigin pa ng 10 araw ang paghahain nito ng bond para sa civil fraud case na inihain ni New York Attorney General Letitia James dahil sa pamemeke ng kaniyang yaman para makakuha ng malaking loan.

Binawasan din ng korte ang kaniyang bond na mula sa $464 milyon ay ginawang $175-M.

Dahil dito ay pinasalamatan ni Trump ang appeals court matapos na bawasan ang bond nito at palawigin ito ng 10 araw.

Itinakda naman ni Judge Juan Merchan sa Abril 15 ang pagdinig sa hush money-related case laban kay Trump.