-- Advertisements --
Inimbitahan ni US President Donald Trump si New York Governor Andrew Cuomo para talakayin ang ilang mga usapin tungkol sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Sinabi ni Trump na isang pag-uusapan nila ay ang isinasagawang mass testing dahil itinuturing ang New York sa may pinakamaraming bilang ng mga nadapuan ng nasabing virus.
Posible rin na matalakay ang pagbubukas na nila ng bahagya ng lockdown para hindi masyadong maapektuhan ang ekonomiya.
Magugunita isa ang New York Governor na bumatikos kay Trump dahil sa mabagal na tulong ng gobyerno sa kanilang lugar.