Kinondena ni President-elect Joe Biden ang ginagawang pag-atake sa mga boto ni President Donald Trump at mga ka-alyado nito.
Ayon kay Biden, walang kahit sinong opisyal ang dapat makaranas ng ganitong uri ng pressure dahil lamang sa maling paniniwala na may naganap na malawakang dayaan noong eleksyon.
Sa kaniyang naging talumpati sa Wilmington, Delaware, nasubaybayan umano ng milyon-milyong Amerikano ang naging takbo ng bilangan.
Hirit pa nito na kahit anong mangyari ay palaging mananaig ang batas at kagustuhan ng mamamayan ng Estados Unidos.
Ginawa ni Biden ang maaanghang na patutsadang ito matapos ang walang humpay na taktika ng kampo ni Trump na harangin ang pormal na pag-anunsyo ng Electoral College kay Biden bilang bagong pangulo ng Amerika.
Nakakuha ng 306 na boto si Biden laban kay Trump na mayroon lamang 232 votes. Sa ngayon ay ipapadala na ang Electoral College votes sa US Congress na pormal namang bibilangin sa susunod na buwan.