Inanunsyo ng Central Luzon Alliance of Concerned Truck Owners Organization (ACTOO) na nagpaplano silang magsagawa ng protesta laban sa pagtaas ng toll rates sa North Luzon Expressway (NLEX).
Ayon sa direktor ng grupo na si Connie Tinio, nakikipagtulungan na sila sa iba pang mga miyembro upang mas mapalakas pa umano ang kanilang gagawing protesta.
Kung matatandaan kasi, noong Hunyo 15, nagkabisa ang North Luzon Expressway toll hike na nagtaas ng singil mula P19 hanggang halos P100 para sa malalaking trak.
Ikinalungkot ng Central Luzon Alliance of Concerned Truck Owners Organization ang pagtaas ng halaga ng kanilang operasyon.
Gayundin na sa kalaunan ay makakaapekto rin sa mga mamimili o mananakay.
Aniya, hindi lang naman toll fee ang kanilang problema kundi pati ang gastos sa diesel dahil sa kahabaan ng trapiko sa kahabaan ng North Luzon Expressway.
Kaugnay niyan, nagpadala na ng liham ang nasabing grupo sa Toll Regulatory Board upang ipaabot ang kanilang hinaing.
Gayunpaman, sinabi ng Toll regulatory board na kailangan ang isang pormal na petisyon.