-- Advertisements --
Nagliyab ang isang truck sa MacArthur Highway sa Capas, Tarlac.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, ang naturang truck ay galing pa umanong Pangasinan.
Maghahaponan lang daw ang driver kaya ito nag-park pero, pagkababa nito sa sasakyan kasama ang pahinante ay biglang nag liyab ang truck.
Ang hinihinalang pinagmulan naman ng apoy ay wiring ng sasakyan, ayon sa awtoridad.
Nagsimula rin daw ang apoy sa passenger seat.