NAGA CITY – Sugatan ang driver ng isang truck matapos na makabanga sa kasunudan nitong isa pang truck sa Barangay San Isidro, Pamplona, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Romel Cruz, responder ng MDRRMO-Pamplona, binabagtas ng nasabing sasakyan ang kahabaan ng Maharlika highway ng mangyari ang nasabing insidente.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nawalan ng kontrol ang drayber ng truck kung kaya nakabangga ito sa kasunudan na isa ring truck.
Dahil sa pangyayari, naipit ang kaliwang paa ng drayber na agad namang dinala sa pagamutan para sa asistensya medikal.
Sa ngayon, panawagan na lamang ni Cruz sa lahat ng driver na palagiang mag-ingat at maging disiplinado sa lahat ng oras dahil buhay ang nakataya sa mga ganitong klase ng insidente.