-- Advertisements --

Inamin ng driver ng truck na umararo sa ilang mga kabahayan na nagbunsod sa pagkasawi ng mag-ina sa Bulacan na ito ay gumagamit ng iligal na droga.

Ayon sa driver na si Eliazar Lumawag, na bukod sa nakagamit ito ng droga ay nawalan ng preno ang minamaneho nitong truck na pinagkargahan ng backhoe.

Dahil dito ay iniwasan niya ang jeep sa harapan niya kaya namali ito sa kaniyang napasukan sa Barangay Santo Cristo, San Jose del Monte, Bulacan.

Magugunitang nasawi ang biktimang si Michelle Ramos, 17 at anak nitong tatlong buwang gulang lamang na si Mateo matapos mapasailalim sa trak.