-- Advertisements --

Tulad nang inaasahan lumakas pa ang bagyong Neneng at isa na itong tropical storm.

Inanunsiyo ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na nagtaas na rin sila ng tropical cyclone wind signal No. 2 habang dumami pa ang mga lugar na nasa signal number 1.

Namataan ngayon ng Pagasa ang mata ng bagyo na nasa 255 kilometers east southeast ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan o nasa layong 230 kilometers east ng Aparri, Cagayan.

Lalo namang bumilis ang pagkilos ng bagyo na nasa 30 kilometers per hour sa direksiyon na westward.

Ayon sa Pagasa ang lakas ng bagyo ay umaabot na ngayon sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at merong pagbugso ng hangin na umabot sa 80 kilometers per hour.

Kabilang sa mga lugar sa Luzon na isinailalim na sa signal number 2 ay ang isla ng Batanes, lalawigan ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, Apayao, ang northern portion ng Abra kasama ang mga bayan ng Tineg, Lacub, Lagayan, at Ilocos Norte.

Inaabisuhan ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na sa loob ng 24 oras ay mararamdaman na nila ang lakas ng bagyo.

Samantala ang mga lugar naman na nasa signal number No. 1 ay ang northern portion ng Isabela kasama ang bayan ng Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Gamu, Roxas, gayundin sa Kalinga, ang iba pang lugar ng lalawigan ng Abra, ang northern portion ng Mountain Province na kinabibilangan ng bayan ng Paracelis, Natonin, Barlig, Sadanga, Bontoc, Sagada, Besao; gayundin nasa signal number 1 ang northern portion ng Ilocos Sur kasama ang mga bayan ng Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, City of Vigan, Santa, Caoayan, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, Quirino, Gregorio del Pilar, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, at bayan Salcedo.

Kasabay nito, nagbabala rin ang Pagasa na asahan na ang malalakas na buhos ng ulan hanggang torrential rains sa mga lugar ng Batanes at Cagayan kasama na ang Babuyan Islands at iba pang mga lugar.

Nagpahiwatig din naman ang Pagasa na posible pang magtaas sila ng hanggang signal number 3.

Hindi rin naman inaalis ng Pagasa ang posibilidad na itaas pa ang signal number 4 kung sakali.

“Until tonight: Heavy to intense with at times torrential rains over Batanes and Cagayan including Babuyan Islands. Moderate to heavy with at times intense rains over Apayao, Kalinga, Abra, and Ilocos Norte. Light to moderate with at times heavy rains over the northern portion of Isabela and the rest of Ilocos Region and Cordillera Administrative Region.”

“Tomorrow: Heavy to intense with at times torrential rains over Batanes, the northern portion of mainland Cagayan, Babuyan Islands, and Ilocos Norte. Moderate to heavy with at times intense rains over Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Sur, and the rest of mainland Cagayan. Light to moderate with at times heavy rains over the northern portion of Isabela and the rest of Ilocos Region and Cordillera Administrative Region,” bahagi pa ng abiso ng Pagasa.

“During the passage of NENENG, winds may reach gale-force in strength within any of the areas where Wind Signal no.2 is hoisted. Strong winds (strong breeze to near gale strength) will be experienced within any of the areas where Wind Signal No. 1 is currently in effect. Per latest track and intensity forecast, the most likely highest wind signal that will be hoisted is Wind Signal No. 3 (for storm-force winds). However, the possibility of hoisting of Wind Signal No.4 is not ruled out. The convergence between the circulation of NENENG and southwesterly winds may bring occasional gusts reaching strong breeze to near gale strength over Southern Luzon and Visayas, especially in coastal and mountainous/upland localities of these areas.”