-- Advertisements --
Pinahiya ng NLEX Roadwarriors ang Terrafirma Dyip 142-125 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo ng NLEX si Don Trollano na nagtala ng 44 points kung saan mayroon itong siyam na three-points.
Dahil dito ay nahigitan niya ang walong three-points na nagawa sa isang laro nina Allan Caidic, Renren Ritualo at Von Pessumal.
Nag-ambag naman ng 38 points si import Wayne Selden, 15 points kay Kevin Alas at mayroong 19 points, 12 rebounds naman ang naitala ni rookie Brandon Ganuelas-Rosser.
Mayroon ng pitong panalo at tatlong talo ang NLEX habang ang Dyip ay mayroong dalawang panalo at pitong talo.
Nasayang naman ang nagawang 38 points ni Juami Tiongson para sa Dyip.