-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ni Tristan Thompson matapos na ito ay ganap na US citizen.
Sa kaniyang social media account , nagpost ito ng larawan habang nanunumpa.
Isinagawa ang panunumpa nito bago ang desisyon niya na sumali sa Boston Celtics.
Isa kasing Canadian citizen si Thompson at napadpad ito sa US para mag-aral ng University of Texas noong 2009 isang taon bago sumali sa NBA draft.
Magugunitang kinuha si Thompson ng Boston kung sasa pumirma ito ng $19-million na kontra sa paglalaro niya ng dalawang taon.
Nagsimula itong maglaro sa NBA noong 2011 sa Cleveland Cavaliers at kasama siya sa koponan sa loob ng siyam na season.